Ayon sa PetroChina Yunnan Petrochemical Co., Ltd., sinimulang isaoperasyon Sabado, Mayo 6, 2017 ang Yunnan Refinery ng crude oil pipeline sa pagitan ng Tsina at Myanmar na magpoprodyus ng 130,000 toneladang langis bawat taon.
Ipinahayag ni Jin Yanjiang, Manager ng nasabing kompanya, bilang hub at base ng paglilipat ng enerhiya, ang pagsasaoperasyon ng Yunnan Refinery ay may mahalagang katuturan para sa paggarantiya sa pangmatalagan, ligtas at matatag na operasyon ng pipe line sa pagitan ng Tsina at Myanmar. Ito rin ay integral na bahagi sa pagpapasulong at pagpapatupad ng "Belt and Road" Initiative, aniya pa.
Ang nabanggit na crude oil pipeline ay nag-uugnay sa Made Island oil port at lalagiwang Yunnan ng Tsina. Ang pipeline na may habang 771 kilometro ay dumaraan ng Rakhine State, Magway Region, Mandalay Region at Shan State ng Myanmar.
Ang langis na inihahatid sa oil pipeline ay galing sa Gitnang Silangan. Umaabot sa 22 milyong tonelada ang taunang transmission capacity ng oil pipeline. Kabilang dito, dalawang milyong tonelada ay gagamitin ng Myanmar at 20 milyon ay ihahatid sa Tsina.
Salin: Vera