|
||||||||
|
||
Isang buwan na ang nakaraan sapul nang kauna-unahang ilabas ng Tsina ang Middle- and Long-term Youth Development Plan (2016-2025). Sa okasyog ito, nagdaos ng preskon Miyerkules, Mayo 17, 2017 ang Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado, Gabinete ng Tsina hinggil sa pagpapatupad ng nasabing plano.
Sinabi ni Qin Yizhi, Unang Kalihim ng Sekretaryat ng Central Committee Communist Youth League ng Tsina na isa sa mga pangunahing tungkulin ng kanyang liga ay maglatag ng plataporma para mapasulong ang inobasyon at makapagsimula ng sariling negosyo ang mga kabataan.
Isinalaysay niyang bago pa man inilabas ang nasabing Plano, simula noong 2014, nakipagtulungan na ang kanyang liga sa iba't ibang departmentong pampamahalaan at di-pampamahalan para maglunsad ng mga pambansang paligsahan ng pagsisimula ng negosyo at ilan sa mga panalong proyekto ay sinimulan nang isaoperasyon. Ginawa niyang halibawa ang Mobike, smart bike sharing startup.
Aniya pa, nagbibigay-tulong din ang kanyang liga sa pangongolekta ng pondo para sa mga kabataang nakahandang magsimula ng sariling negosyo.
Idinagdag pa ni Qin na patuloy na magkakaloob ng suporta ang kanyang liga sa mga kabataan.
Ang nasabing Youth Development Plan ng Tsina ay inilabas nitong nagdaang Abril. Mababasa sa Plano ang mga target na pangkaunlaran para sa mga kabataang Tsino sa sampung larangan na gaya ng edukasyon, kalusugan, kasal, kultura, hanap-buhay at pagsisimula ng sariling negosyo, pakikisalamuha at paglahok sa lipunan, pangangalaga sa karapatan at interes, pagpigil at pagkontrol sa krimen, at social security.
Ang "kabataan" sa Plano ay tumutukoy sa mga mamamayang may edad na 14 hanggang 35.
Salin/Edit: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |