|
||||||||
|
||
Inaprubahan Huwebes, Mayo 18, 2017 sa Ika 14 na Seniors' Official Meeting on the Implementation of the Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) ang nasabing balangkas na dokumento.
Sina Liu Zhenmin (sa kanan), Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, at Chee Wee Kiong (sa kaliwa), Pirmihang Kalihim ng Ministring Panlabas ng Singapore, sa preskon
Magkasamang nagsagawa ng press conference sina Liu Zhenmin Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, at Chee Wee Kiong ,Pirmihang Kalihim ng Ministring Panlabas ng Singapore, sa New World Hotel Guiyang.
Si Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina
Ipinahayag ni Liu na narating nila ito matapos ang tapat, makatotohanan, malaliman at produktibong konsultasyon. Sumasalamin ito aniya sa concensus o pagsang-ayon ng mga delegado mula sa 11 bansa. Ito rin ay nagpapakita ng positibong pagsulong sa isyu ng South China Sea at sumasalamin sa sinserong kagustuhan ng Tsina at ASEAN na panatilihin ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon. At inaasahan niyang patuloy na iiral ang mutwal na paggalan at magkasamang magpunyagi para sa maagang katuparan ng pinal na COC.
Ipinahayag din ni Liu na ang bunga ngayong araw ay sinimulan pa noong 2013 sa Suzhou Meeting. Hindi naging madali ang proseso dahil mahirap para sa mga panig ang umayon sa mga elemento at kinailangan ang panahon. Ang Draft Framework ng COC ay isang milestone achievement, dahil hatid nito ay batayan ng mga hakbangin at sa aspektong politikal ipinakita nito ang political will upang sama-samang gawin ang buong pagpapatupad ng COC. Aniya pa ang Tsina at ASEAN ay patuloy na makasamang magtatrabaho para gamitin ang framework at isulong sa susunod na hakbang.
Si Chee Wee Kiong, Pirmihang Kalihim ng Ministring Panlabas ng Singapore
Sinabi naman ni Kalihim Chee na ang nasabing Draft Framework ng COC ay isusumite sa mga Pulong ng mga Ministro sa Pilipinas para repasuhin.
Ibinahagi din ng Singaporean Minister ang ilang mga matagumpay na pagsasagawa ng mga napagkasunduan sa 19th ASEAN China Commemorative Summit noong Setyembre 2016. Kabilang dito ang matagumpay na pagsasagawa ng ASEAN at Tsina ng Ministry of Foreign Affairs to Ministry of Foreign Affairs Hotline Test Exercise nitong Abril 18 -24, 2017. Kasunod nito inaasahan ang pagkakaroon ng 24/7 Hotline for Maritime Emergency sa ASEAN at Tsina. Nasa plano na rin ng mga Defense officials ng ASEAN at Tsina ang pagsasakatuparan ng Code of Unplanned Encounters at Sea.
Bukod sa draft framework ng COC, napagkasunduan din sa pulong ang non-paper na magtatatag ng tatlong teknikal na komite para kaligtasan sa paglalayag, paghahanap at pagliligtas at pananaliksik at pangangalaga sa kapaligirang sa dagat at paglaban aa transnasyonal na krimen sa dagt. At iniulat din ang pagkakaroon ng updated na Working Plan para sa taong 2016 at 2018.
Ulat: Mac Ramos at Liu Kai
Editor: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |