|
||||||||
|
||
Guiyang, Guizhou Province — Idinaos Huwebes, Mayo 18, 2017, ang Ika-14 na Senior Officials' Meeting on the Implementation of the Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) na dinaluhan ng mga matataas na opisyal mula sa Tsina at sampung (10) bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Pinagtibay sa pulong ang Draft Framework of South China Sea Code of Conduct (COC).
Sina Liu Zhenmin (sa kanan), Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, at Chee Wee Kiong (sa kaliwa), Pirmihang Kalihim ng Ministring Panlabas ng Singapore, sa preskon
Ito ang inilabas sa isang preskong idinaos ng Ministring Panlabas ng Tsina makaraang ipinid ang naturang pulong.
Si Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina
Nagkaroon ng matapat at malalimang talakayan tungkol sa komprehensibo at mabisang pagsasakatuparan ng DOC ang iba't-ibang panig. Pinag-usapan din nila ang tungkol sa pagpapalakas ng pragmatikong kooperasyong pandagat, pagsasanggunian sa Code of Conduct (COC) in the South China Sea, at iba pang tema, at natamo ang positibong bunga. Inulit ng mga kalahok ang kahalagahan ng komprehensibo at mabisang pagsasakatuparan ng DOC. Ipinagdiinan nilang igigiit ang mapayapang paglutas sa hidwaan sa South China Sea sa mapayapang paraan upang magkakasamang mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa karagatang ito. Lubos ding pinapurihan ng iba't-ibang panig ang mahalagang katuturan ng pagkakaroon ng COC framework, kung saan nakasaad ang mahalagang bungang natamo sa pagsasanggunian sa COC.
Si Chee Wee Kiong, Pirmihang Kalihim ng Ministring Panlabas ng Singapore
Ipinahayag din nila na ang kasalukuyang taon ay ika-15 anibersaryo ng pagkakalagda ng DOC. Nitong 15 taong nakalipas, sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng Tsina at mga bansang ASEAN ng DOC Mechanism, magkakasamang napangalagaan ang kapayapaan, katatagan, at kasaganaang ekonomiko sa South China Sea. Sa hinaharap, dapat anilang ipagpatuloy ang komprehensibo at mabisang pagsasakatuparan ng DOC at magkasamang pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng karagatang ito upang maitayo ang South China Sea bilang isang karagatang pangkapayapaan, pangkaibigan, at pangkooperasyon.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |