Ipinahayag Mayo 18, 2017 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na bilang isang bukas, inklusibo at pantay-pantay na platapormang pangkaunlaran, positibo ang Tsina sa pakikisangkot ng mga bansang Latino-Amerikano sa konstruksyon ng Belt and Road Initiative, at pagpapahigpit ng ugnayan ng kani-kanilang patakarang pangkabuhayan at pambansang estratehiyang pangkaunlaran. Ito aniya'y makakatulong hindi lamang sa pag-unlad ng mga kalahok na bansa, kundi magpapasulong din sa katatagan at kasaganaan ng rehiyon at daigdig.
Winika ito ni Hua bilang tugon sa panawagan ni Alicia Barcena, Executive Secretary ng Economic Commission for Latin-America and the Caribbean sa mga bansang Latino-Amerikano at Caribbean, na sumapi sa Belt and Road Initiative.
Sinabi ni Hua na dumalo sa katatapos na Belt and Road Forum for International Cooperation sa Beijing ang mga kinatawan mula sa mga 20 bansang Latino-Amerikano at Caribbean, na gaya ng Chile at Argentina. Ito aniya'y nagpapakita ng komong mithiin nila sa pagpapasulong ng South-South Cooperation at pagpapahigpit ng konektibidad ng ibat-ibang bansa.