Ipinahayag Marso 28, 2017 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang pagtatayo ng paliparan at mga instalasyong pandepensa sa mga isla sa South China Sea ay hindi lamang suliranin na saklaw ng soberanya ng Tsina, kundi angkop din sa prinsipyo ng mga pandaigdigang batas. Winika ito ni Hua bilang tugon sa tanong ng mga mamamahayag hinggil sa pagtatalaga o hindi ng Tsina ng mga eroplanong panagupa sa nasabing mga isla.
Sinabi ni Hua na walang duda ang soberanya ng Tsina sa mga isla sa South China Sea na kinabibilangan ng Nansha Islands. Aniya, ang pagkakaroon ng mga instalasyon sa nasabing mga isla ay hindi lamang para sa pagpapabuti ng kondisyon sa lokalidad, kundi maging sa pagpapatupad ng mga obligasyong pandaigdig. Aniya, kung kailangan, ilalagay ng Tsina ang mga instalasyong pandepensa para pangalagaan ang kabuuan ng soberanya at teritoryo ng bansa.