Ipinahayag Mayo 16, 2017 sa Beijing ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na kasalukuyang nananatiling matatag at malusog ang pagtutulungan ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Aniya, hinaharap din ng dalawang panig ang kooperasyon sa bagong pagkakataong pangkaunlaran. Umaasa aniya siyang ibayong mapapahigpit ng gagawing ika-23 Senior Officials' Consultation ng Tsina at ASEAN ang komunidad ng komong kapalaran ng dalawang panig.
Ipinahayag din ni Hua na bilang taunang mekanismong pandiyalogo ng Tsina at mga bansang ASEAN, inaasahang pabibilisin ng nasabing pagtitipon ang ugnayan ng estratehiyang pangkaunlaran ng Tsina at ASEAN, at pasusulungin ang pragmatikong pagtutulungan, para isakatuparan ang pag-u-upgrade ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN.
Nakatakdang idaos ang nasabing pulong sa Mayo 19, 2017 sa Guiyang, kabisera ng lalawigang Guizhou, Tsina.