Kinumpirma kahapon, Sabado, ika-20 ng Mayo 2017, ng search and rescue department ng Indonesya, na nasunog kamakalawa ang isang ferry boat, habang lumalayag ito sa karagatang malapit sa lalawigang East Java. Ikinamatay na ito ng 5 katao, at nawawala pa rin ang mahigit 40 iba pa.
Ayon pa rin sa may kinalamang departamento ng Indonesya, may lulang 178 pasahero at mga sasakyan ang naturang bapor. Nailigtas na ang 137 katao, at isinasagawa pa rin ang paghahanap ng mga nawawala.
Sinimulan na naman ng panig pulisya ng Indonesya ang pagsisiyasat sa aksidenteng ito.
Salin: Liu Kai