BEIJING—Sa regular na news briefing Lunes, Mayo 22, 2017, ipinahayag ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na kumakatig ang U.N. Economic and Social Commission for Asia and the Pacific (ESCAP) sa "Belt and Road" Initiative na iniharap ng Tsina para sa komong kaunlaran at kasaganaan. Ito aniya ay muling nagpapakita ng aktibong pakikitungo ng komunidad ng daigdig tungkol sa magkakasamang pagpapasulong ng "Belt and Road" Initiative, at nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng iba't ibang panig para mapasulong ang inisyatibang ito.
Idinaos kamakailan ang ika-73 Taunang Pulong ng ESCAP sa Thailand, at pinagtibay ng pulong ang proposal na iniharap ng Tsina hinggil sa pagpapalakas ng konektibidad at pagpapasulong ng sustenableng pag-unlad ng Asya-pasipiko, bilang pagkatig sa "Belt and Road" Initiative.
salin:Lele