Ipinahayag Martes, Mayo 16, 2017, dito sa Beijing ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang magkasanib na komunike ng Belt and Road Forum for International Cooperation (BFR) ay unang komprehensibo, sistematiko, at autorisadong multilateral na dokumento sa ilalim ng framework ng "Belt and Road," at ito ay nagpapakita ng komong palagay ng iba't ibang panig at bunga ng porum.
Ani Hua, nilinaw ng komunike ang direksyon at pokus ng kooperasyon sa "Belt and Road" sa hinaharap. Ito rin aniya ay nagpapalabas ng maliwanag at malakas na signal ng pagpapasulong ng kooperasyong pandaigdig at pagtatatag ng bukas na kabuhayang pandaigdig.
Ang Belt and Road Forum for International Cooperation na idinaos sa Beijing Tsina mula Mayo 14 hanggang Mayo 15, 2017 ay nilahukan ng mga lider ng daigdig na kinabibilangan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas.
salin:Lele