"Hindi layon ng pagtataguyod ng Tsina ng Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF) na pataasin ang sariling impluwensya at namumunong lakas sa daigdig," ito ang ipinahayag nitong Miyerkules, Mayo 17, 2017, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina. Aniya pa, ipinakikita ng pagtataguyod ng Tsina ng nasabing porum ang diwa ng responsibilidad ng Tsina.
Ani Hua, bagama't ang "Belt and Road" Initiative ay iniharap ng Tsina, palagian nitong iginigiit ang ideya ng "magkakasamang pagtalakay, pagtatayo, at pagtatamasa ng bunga." Itinataguyod din aniya ng Tsina ang magkakasamang pagtatalakayan at pagsisikap ng mga kaukulang bansa upang sila ay pawang makinabang dito.
Salin: Li Feng