|
||||||||
|
||
Isiniwalat nitong Martes, Mayo 23, 2017, ng Pambansang Komisyon ng Pag-unlad at Reporma ng Tsina, na opisyal na lumagda sa Beijing kamakailan ang China Development Bank at Kereta Cepat Indonesia–China (KCIC) sa loan contract tungkol sa proyekto ng daam-bakal mula Jakarta hanggang Bandung na umabot sa 4.5 bilyong dolyares.
Ang nasabing daam-bakal ay mahalagang natamong bunga ng konstruksyon ng "Belt and Road" Initiative, at ito rin ay landmark project ng pragmatikong kooperasyong Sino-Indones. Ang pagkakalagda sa loan contract ay mahalagang bungang natamo sa Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF).
Ayon sa tagapagsalita ng nasabing komisyong Tsino, makaraang magtapos ang proyektong ito, mapapaikli sa 40 minuto ang biyahe mula Jakarta hanggang Bandung mula kasalukuyang 3 hanggang 5 oras.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |