|
||||||||
|
||
Nakatakdang idaos Miyerkules, Mayo 24, 2017, ang limang (5) araw na Ika-2 21st Century Panglong Peace Conference. Dadalo rito si Sun Guoxiang, Espesyal na Sugo ng Ministring Panlabas ng Tsina sa mga Suliraning Asyano.
Sa kanyang pakikipagkita sa Naypyitaw nitong Martes sa mga kinatawan mula sa pitong (7) armadong grupo ng pambansang minorya sa kahilagaan ng Myanmar, sinabi ni Sun na ito ang magiging pulong na lalahukan ng pinakamaraming armadong grupo ng pambansang minorya. Umaasa aniya siyang ito'y magiging bagong starting point at magpapasulong sa prosesong pangkapayapaan sa susunod na yugto.
Tinukoy niya na sa mula't mula pa'y pinahahalagahan at sinusubaybayan ng pamahalaang Tsino ang prosesong pangkapayapaan ng Myanmar. Aktibo rin aniyang nakikipagtulungan ang Tsina sa Myanmar sa pagpapasulong ng prosesong ito. Nakahanda ang Tsina na palakasin ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa Myanmar sa usaping ito, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |