Yanggon, Myanmar—Ipinahayag Linggo, June 12, 2016 ni Hla Maung Shwe, Kalihim ng Lupong Preparatoryo para sa 21st Century Panglong Ethnic Conference, na nakatakdang idaos ang nasabing pulong sa huling dako ng Hulyo o Agosto ngayong taon. Layon aniya ng nasabing pulong na isakatuparan ang pambansang rekonsilyasyon at kapayapaan
Ipinahayag din niyang kasalukuyang nakikipagtalakayan ang kanyang lupon sa mga grupong etniko na hindi pa lumagda sa pambansang kasunduan ng tigil-putukan para lumahok sila sa gaganaping pulong. Kabilang sa mga grupong etniko na kinakausap ng nasabing lupon ay United Wa State Army (UWSA), National Democracy Alliance Army (NDAA)-Mongla, Kokang's Myanmar National Democratic Alliance Army (MNDAA), Arakan Army (AA), Ta'ang National Liberation Army (TNLA) at iba pa.
Noong Oktubre, 2015, nilagdaan ng pamahalaan ng Myanmar at walo (8) sa labinlimang (15) armadong grupong etniko ang Pambansang Kasunduan ng Tigil-Putukan.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio