Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dalawang grupong etniko ng Myanmar, sang-ayong lumahok sa pambansang pulong na pangkapayapaan

(GMT+08:00) 2016-06-21 10:48:44       CRI

Ipinahayag Lunes, Hunyo 20, 2016 ni Khin Zaw Oo, Mataas na Miyembro ng Lupong Preparatoryo para sa 21st Century Panglong Ethnic Conference ng Myanmar na dalawang grupong etniko na hindi pa lumagda sa Pambansang Kasunduan ng Tigil-putukan ang sumang-ayong lumahok sa nasabing pulong. Kabilang sa nabanggit na dalawang grupong etniko ay United Wa State Army (UWSA) at National Democracy Alliance Army (NDAA)-Mongla. Layon ng nasabing pulong na isakatuparan ang pambansang rekonsilyasyon at kapayapaan.

Nauna rito, ipinatalastas ng nasabing lupong preparatoryo na nakatakdang idaos ang pulong sa huling dako ng Hulyo o unang dako ng Agosto ngayong taon.

Noong Oktubre, 2015, nilagdaan ng pamahalaan ng Myanmar at walo (8) sa labinlimang (15) armadong grupong etniko ang Pambansang Kasunduan ng Tigil-putukan.

Salin/Edit: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>