Tsina, positibo sa pinalakas na pagpapalitan ng Hilagang Korea at Timog Korea-Tagapagsalitang Tsino
Ipinahayag kamakailan ni Pangulong Moon Jae-in ng Timog Korea na nakahanda silang panumbalikin ang pakikipagpalitan sa Hilagang Korea sa ilang larangang gaya ng people to people exchanges, kultura, palakasan, at pagbibigay ng makataong tulong. Ito aniya'y batay sa mga katugong resolusyon ng UN.
Kaugnay nito, ipinahayag Mayo 23, 2017 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na sinusubaybayan ng Tsina ang konstruktibong signal na isinapubliko ng bagong pamahalaan ng Timog Korea para mapahupa ang kalagayan sa Peninsula ng Korea. Aniya, positibo ang Tsina sa pinalakas na pagpapalitan sa pagitan ng Hilaga at Timog Korea, para pabutihin ang bilateral na relasyon at pasulungin ang rekonsilyasyon ng dalawang panig.