Tinanggihan kamakailan ng Ika-70 World Health Comference ang mosyong imbitahan ang Taiwan bilang tagamasid sa pulong.
Kaugnay nito, ipinahayag Mayo 23, 2017 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ito ay hindi lamang pangangalaga sa dignidad ng Asemblea ng UN at World Health Comference, kundi nagpapakitang nagiging komong palagay ng komunidad ng daigidg ang prinsipyong Isang Tsina.
Ani Hua, nakahanda ang pamahalaang Tsino na maayos na hawakan ang isyung may-kinalaman sa paglahok ng Taiwan sa ilang aktibidad ng mga organisasyong pandaigdig, at sa mapayapang negosasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits, batay sa prinsipyong Isang Tsina.