Ayon sa pagtaya ng ulat na inilabas Miyerkules, Mayo 24, 2017 ng World Bank (WB), mula taong 2017 hanggang 2019, lalago ng halos 7% bawat taon ang kabuhayan ng Laos.
Ipinalalagay ng ulat na bumabagal ang mabilis na paglago ng kabuhayang Lao. Ang paglago nito ay depende, pangunahin na, sa pagdaragdag ng pagluluwas ng koryente sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng mga proyekto ng koryente, pagbangon ng agrikultura at industriya ng pagyari, at mga bagong pagkakataong dulot ng mas mahigpit na integrasyon at connectivity sa loob ng rehiyon.
Iminungkahi rin ng ulat na maaaring isagawa ng Laos ang mas maraming pamumuhunan sa aspektong pangkalusugan at medikal. Ito ay makakatulong sa pagsasakatuparan ng target ng bansa na sasaklaw sa lahat ng populasyon ang serbisyong medikal at pangkalusugan sa taong 2025.
Salin: Vera