Sa China (Guangxi)-Philippine Business Matching Seminar for Entrepreneurs na idinaos Miyerkules, Mayo 24, 2017 sa Maynila, ipinahayag ni Jin Yuan, Commercial Counselor ng Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas, na noong unang kuwarter ng taong ito, ang Tsina ay naging pinakamalaking trade partner ng Pilipinas.
Mga namamahalang tauhan mula sa mahigit 20 bahay-kalakal ng Guangxi at mga personahe ng sirkulo ng bahay-kalakal ng Pilipinas ang dumalo sa nasabing seminar. Ipinahayag ni Jin na sapul nang dumalaw sa Tsina si Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas noong nagdaang Oktubre, mabungang mabunga ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa. Noong unang kuwarter, lumaki ng 26% ang kabuuang halaga ng bilateral na kalakalan kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Pawang may malaking paglaki ang pagluluwas ng mga pangunahing produktong agrikultural ng Pilipinas sa Tsina na gaya ng papaya, pinya, saging at mangga.
Lumagda rin ang mga bahay-kalakal ng Guangxi at Pilipinas sa kasunduan ng estratehikong kooperasyon sa puwerto, kasunduan ng nakontratang proyekto ng hydroelectric power station, framework agreement hinggil sa estratehikong kooperasyong panturismo, at kasunduan ng direktang tourism chartered flight sa pagitan ng Nanning at Maynila.