Sa regular na preskon Miyerkules, ika-26 ng Abril, 2017, sinabi ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Tsina at Pilipinas ay natural cooperation partners. Malapit ang lokasyong heograpikal nila, madalas ang pagpapalagayan, at may mataas na pagkokomplemento ang kanilang kabuhayan. Umaasa aniya ang panig Tsino na gagawa ng ambag ang lahat ng mga personaheng nagpopokus sa pangkalahatang relasyon at komong interes ng dalawang bansa para sa pagkakaibigan, mutuwal na kapakinabangan at kooperasyon ng Tsina at Pilipinas.
Ayon sa ulat ng media ng Pilipinas Martes, sinabi ni Fidel V. Ramos, dating pangulo ng Pilipinas, na upang harapin ang aksyon ng Tsina sa rehiyon ng South China Sea, maaaring isagawa ng panig Pilipino ang maliit na "economic war" sa Tsina.
Tungkol dito, ipinahayag ni Geng na sapul nang bumuti ang relasyong Sino-Pilipino noong isang taon, komprehensibong sumulong ang kooperasyon sa iba't ibang larangan, at walang humpay itong kumuha ng progreso. Umaasa siyang pag-uukulan ng mga tao ng mas maraming pokus ang pahayag ni Ramon Lopez, Kalihim ng Kalakalan at Industriya ng Pilipinas, tungkol sa benepisyong dulot ng kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan ng dalawang bansa sa kabuhayan ng Pilipinas.
Salin: Vera