Ipinahayag Mayo 24, 2017 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagbati sa pagkakahalal ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, dating Ministrong Panlabas at Pangkalusugan ng Ethiopia, bilang Direktor Heneral ng World Health Organization (WHO).
Sinabi ni Lu na bilang kauna-unahang puno ng WHO mula sa Aprika, mayaman ang karanasan ni Ginoong Ghebreyesus sa usaping pangkalusugan. Nananalig aniya siyang patuloy na gaganap ang WHO ng masusing papel sa pagpapasulong ng kalusugan ng buong mundo, sa ilalim ng pamumuno ni Ginoong Ghebreyesus, samantala, patuloy na tutulungan ng Tsina ang ibat-ibang gawain ng WHO.