|
||||||||
|
||
Ayon sa ulat, pumasok nitong Huwebes, Mayo 25, 2017, ang destroyer USS Dewey sa karagatan ng South China Sea upang magsagawa ng umano'y tungkulin ng "kalayaan sa paglalayag," at pumasok pa ito sa loob ng 12 nautical mile ng Meiji Reef ng Tsina.
Kaugnay nito, ipinahayag sa Beijing nang araw ring iyon ni Tagapagsalita Ren Guoqiang ng Ministring Pandepensa ng Tsina, na isinagawa ng barkong Tsino ang beripikasyon sa identidad ng barkong Amerikano, at binalaan ang barkong Amerikano na umalis sa nasabing karagatan. Bukod dito, ipinahayag din aniya ng hukbong Tsino ang mariing pagtutol sa aksyon ng panig Amerikano at nagharap ng solemnang representasyon tungkol dito.
Ani Ren, nitong ilang panahong nakalipas, sa ilalim ng magkakasamang pagsisikap ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), mabilis na bumubuti ang situwasyon sa South China Sea. Ngunit ang maling ginawa ng panig Amerikano ay nakakasira sa bumubuting situwasyon ng karagatang ito, at hindi ito nakakabuti sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |