Ipinahayag kahapon ni Tagapagsalita Liang Yang ng Hukbong Pandagat ng Tsina na pagkaraang pumasok ang bapor pandigma "USS Lassen" ng Amerika sa karagatang nasa paligid ng kinauukulang reef ng Nansha Island ng Tsina, nagsagawa ang hukbong pandagat ng Tsina ng kinakailangan, lehitimo, at propesyonal na pagsusuperbisa at pagbabala sa nasabing bapor pandigma, alinsunod sa batas.
Binigyang-diin ni Liang na may di-mapapabulaanang soberanya ang Tsina sa Nansha Island at karagatang nasa paligid nito. Aniya, buong tatag na isasagawa ng hukbong pandagat ang responsibilidad at tungkulin nito, at buong tatag na pangangalagaan ang soberanya, karapatan at interes ng bansa sa dagat, at buong tatag ding pangangangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng South China Sea.
Dagdag pa niya, patuloy at mahigpit na susubaybayan ng hukbong pandagat ng Tsina ang may-kinalamang kalagayan.
Salin: Li Feng