NAY PYI TAW, Mayo 28 - Ipagpapatuloy nang isa pang araw ang ika-2 pulong ng 21st Century Panglong Peace Conference na nakatakdang tapusin ngayong araw.
Napag-alamang ang mga isyung tinatalaky ng mga kinatawan ay ihaharap sa Union Peace Dialogue Joint Committee (UPDJC), at ang mga sasang-ayunang punto ay ilalakip sa union agreement.
Samantala, umuwi na ang pitong kalahok na sandatahang lakas na hindi pa lumagda ng kasunduan ng tigil-putukan, bagama't hindi narating ang anumang kasunduan, sumang-ayon silang ipagpatuloy ang diyalogo sa hinaharap.
Noong Biyernes, sa sidelines ng pulong, magkakahiwalay na kinatagpo ni Aung San Suu Kyi, State Counselor ng Mynamar sa nasabing sandatahang lakas na pinamumunuan ng United Wa State Army (UWSA).
Sinimulang idaos ang ika-2 pulong ng Panglong Peace Conference noong Miyerkules, Mayo 24. Kalahok dito ng 1400 kinatawan galing sa pamahalaan, parliament, panig militar, iba't ibang paksyon, etnikong organisasyon at iba pa.