Ipinahayag kahapon, Miyerkules, ika-24 ng Mayo 2017, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang pagbati sa pagdaraos ng ika-2 pulong ng 21st Century Panglong Conference, na binuksan nang araw ring iyon sa Nay Pyi Taw, Myanmar.
Sinabi ni Lu, na kinakatigan ng Tsina ang lahat ng pagsisikap na makakabuti sa pagsasakatuparan ng pambansang kapayapaan at rekonsiliyasyon sa Myanmar. Umaasa rin aniya ang Tsina, na sa pamamagitan ng diyalogo at konsultasyon, mapayapang lulutasin ng iba't ibang may kinalamang panig ng Myanmar ang mga pagkakaiba, para isakatuparan ang tigil-putukan sa buong bansa, at lumikha ng kondisyon sa pangmatagalang kapayapaan ng bansa.
Ayon pa rin kay Lu, kalahok sa naturang pulong si Sun Guoxiang, Espesyal na Sugo ng Ministring Panlabas ng Tsina sa mga Suliranin ng Asya. Ito aniya ay para patingkarin ang papel ng Tsina sa pagpapasulong ng mga talastasang pangkapayapaan sa Myanmar.
Salin: Liu Kai