|
||||||||
|
||
Sa isang panayam nitong Linggo, Mayo 28, 2017, sinabi ni American Secretary of Defense James Mattis na kung magaganap ang marahas na sagupaan sa Korean Peninsula, magdudulot ng napakalaking kapinsalaan. Nakahanda aniya ang panig Amerikano na makipagkooperasyon sa panig Tsino upang magkasamang malutas ang isyung nuklear ng Korean Peninsula.
Sinabi niya na kasalukuyang nagsisikap ang panig Amerikano, kasama ng komunidad ng daigdig, para magkakasamang malutas ang nasabing isyu. Kinikilala ng panig Amerikano ang ginagawang pagsisikap ng panig Tsino sa proseso ng paglutas sa isyung ito, dagdag pa niya.
Noong Abril 26, 2017, ipinahayag ng pamahalaang Amerikano na naghahanap ito ng pagsasakatuparan ng target ng walang-nuklear na Korean Peninsula sa pamamagitan ng pagpapalakas ng sangsyong ekonomiko at pagpapataw ng diplomatikong presyur laban sa Hilagang Korea. Samantala, bukas pa rin ang atityud ng panig Amerikano sa pagsasakatuparan ng nasabing target sa pamamagitan ng talastasan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |