Sa isang preskon hinggil sa katatapos na ika-2 pulong ng 21st Century Panglong Peace Conference ng Myanmar, sinabi kagabi, Mayo 28 ng Sekretaryat ng Union Peace Dialogue Joint Committee (UPDJC) na narating ng iba't ibang kalahok ang komong palagay hinggil sa 33 artikulo at masasabing maging matagumpay ang nabanggit na pulong.
Sinabi ng Sekretaryat na pagkaraang talakayin ng mga kalahok ang hinggil sa 41 artikulo sa aspekto ng pulitika, kabuhayan, lipunan at pamamahala sa lupa at yamang pangkalikasan, narating nila ang komong palagay hinggil sa 33 sa mga ito kinabibilangan ng 12 artikulong pulitikal, 11 artikulong pangkabuhayan, 4 artikulong lipunan at 6 na artikulong may kinalaman sa pamamahala sa lupa at yamang pangkalikasan. Lalakip ang nasabing 33 artikulo sa kasunduang nakatakdang lagdaan ngayong araw.
Sinimulang idaos ang 5 araw na ika-2 pulong ng Panglong Peace Conference nitong Miyerkules, Mayo 24 at natapos ngayong araw. Lumahok dito ng 1400 kinatawan galing sa pamahalaan, parliament, panig militar, iba't ibang paksyon, etnikong organisasyon at iba pa.