Nagpulong nitong Biyernes, Hunyo 2, 2017, ang United Nations (UN) Security Council tungkol sa isyung nuklear ng Korean Peninsula para bumoto sa panukalang resolusyong isinumite ng Estados Unidos hinggil sa isyung nuklear ng Korean Peninsula. Pinagtibay ang resolusyong ito na nakasaad na buong tinding kinokondena ng UNSC ang pagsubok-yari ng Hilagang Korea sa sandatang nuklear at ballistic missiles. Muli nitong ipinagdiinan na dapat itakwil ng Hilagang Korea ang lahat ng nuclear weapons plan at agarang itigil ang mga kaukulang aksyon.
Inulit din ng nasabing resolusyon ang kahalagahan ng pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng Korean Peninsula at rehiyong Hilagang Silangang Asyano. Nangako itong magsikap upang magkaroon ng isang mapayapa, diplomatiko, at pulitikal na kalutasan.
Dumalo sa nasabing pulong si Liu Jieyi, Pirmihang Kinatawang Tsino sa UN. Sa kanyang talumpati, ipinahayag niya na ang nasabing bagong resolusyon ay nagpapakita ng nagkakaisang posisyon ng komunidad ng daigdig na tumututol sa pagdedebelop ng Hilagang Korea ng sandatang nuklear at ballistic missiles. Tinututulan aniya ng panig Tsino ang kaukulang paglulunsad ng Hilagang Korea.
Dagdag pa ni Liu na umaasang magsisikap ang Tsina kasama ng iba't-ibang panig upang malutas ang kinauukulang isyu ng Korean Peninsula sa balangkas ng Six-Party Talks, at patuloy na mapatingkad ang positibo at konstruktibong papel sa pagsasakatuparan ng target ng walang-nuklear na Korean Peninsula sa lalong madaling panahon.
Salin: Li Feng