Sa pag-uusap Abril 18, 2017 sa Beijing nina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Federica Mogherini, Pangalawang Tagapangulo ng Unyong Europeo(EU), ipinahayag ni Li na pinahahalagahan ng Tsina ang pakikipagtulungan sa Unyong Europeo(EU), at integrasyon at kasaganaan ng Europa. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng EU para pasulungin ang pragmatikong pagtutulungan sa ibat-ibang larangang kinabibilangan ng talastasan sa kasunduan ng bilateral na pamumuhunan ng Tsina at EU, pag-aaral kung paano isakatuparan ang malayang kalakalan, at iba pa, alinsunod sa prinsipyo ng paggagalangan at pagkakapantay-pantay.
Ipinahayag naman ni Mogherini na magkasamang isinasabalikat ng Tsina at EU ang tungkulin sa larangan ng pangangalaga sa kaayusang pandaigdig, pagbibigay-dagok sa terorismo, pagbabago ng klima, pangangalaga sa kapayapaan ng daigdig, at iba pa. Magsisikap aniya ang EU para pangalagaan ang multilateral na sistemang pandaigdig, at tupdin ang sariling obligasyong pandaigdig. Dagdag pa niya, positibo ang EU sa pagpapalakas ng pakikipagtulungan sa Tsina para pasulungin ang talastasan sa kasunduan ng bilateral na pamumuhunan ng dalawang panig.