Ayon sa ulat ng "Philippine Star," ipinalabas noong ika-6 ng Hunyo, 2017, ng Department of Tourism (DoT) na lumampas sa 1.7 milyon ang bilang ng mga dayuhang turista sa Pilipinas, at ito ay lumaki nang 11.4% kumpara sa gayon ding panahon ng nagdaang taon.
Ayon sa pag-aanalisa ng "Philippine Star," nilagdaan kamakailan ni Wanda Tulfo-Teo, Kalihim ng DoT ang mga kasunduang pangkooperasyon hinggil sa turismo sa Tsina, Hapon, Kambodya, Rusya at Turkey, at ito ang pangunahing dahilan ng paglaki ng bilang ng mga turista. Ayon pa sa DoT, kahit medyo natatakot ang mga dayuhang turista dahil sa sagupaan sa Marawi at pagsalakay sa Resorts World Manila, patuloy na palalakasin ng DoT ang pagpo-promote. Umaasa aniya siyang maaabot ang target na halos 7 milyong dayuhang turista sa taong ito.
salin:lele