Beijing, Tsina—Miyerkules, Hunyo 7, 2017, nakipagtagpo si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina sa bagong Embahador ng Thailand sa Tsina na si Piriya Khempon.
Binigyan ni Wang ng positibong pagtasa ang pag-unlad ng relasyong Sino-Thai. Hinahangaan niya ang puspusang pagkatig ng Thailand sa konstruksyon ng Belt and Road Initiative. Umaasa siyang sisimulan sa lalong madaling panahon ang proyekto ng kooperasyon sa daambakal ng dalawang bansa. Aniya, nakahanda ang panig Tsino na palakasin ang kooperasyon nila ng Thailand sa mga suliraning pandaigdig, at pangalagaan ang komong interes ng dalawang bansa at kapayapaa't katatagan ng rehiyon.
Ipinahayag naman ni Ambassador Piriya na patuloy na kakatigan at lalahukan ng kanyang pamahalaan ang konstruksyon ng Belt and Road, at tuluy-tuloy na pasusulungin ang pragmatikong kooperasyon sa daambakal, kabuhaya't kalakalan, at iba pang larangan.
Salin: Vera