Binuksan Mayo 18, 2017 sa Bangkok, Thailand ang Sino-Thai Investment and Trade Fair. Dumalo sa pagtitipon ang mga kinatawan mula sa mahigit 300 bahay-kalakal ng Tsina at Thailand.
Sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Somkid Jatusripitak, Pangalawang Punong Ministro ng Thailand na bilang pinalakas na konektibidad ng kabuhayan ng ibat-ibang bansa at pagpapalitan ng mga mamamayan, ang Belt and Road Initiative ay magdudulot ng ginhawa sa Asya at daigdig. Umaasa aniya siyang bibilis ang ugnayan sa pagitan ng "Estratehiya ng East Economic Corridor" ng Thailand at "Belt and Road Initiative," para pasulungin ang pangmatagalang pagtutulungan ng dalawang panig sa larangang pangkabuhayan at pangkalakalan.