Ipinatalastas Biyernes, June 9, 2017 ni Punong Ministrong Theresa May ng Britanya na itatatag niya ang bagong coalition government sa pundasyon ng pagkatig ng Democratic Unionist Party (DUP) ng North Ireland.
Sa katatapos na pambansang halalang pamparliamento, ang bilang ng mga luklukan ng Conservative and Unionist Party (CUP) na pinamumunuan ni May sa mababang parliamento ay hindi lumampas sa kalahati ng kabuuang bilang ng mga luklukan, kaya hindi kayang mag-isang itatag ng CUP ang bagong pamahalaan.
Sinabi ni May na ang kooperasyon ng dalawang partido ay para pangangalagaan ang pambansang kapakanan at katatagan.
Bukod dito, ipinahayag ni May na sa ika-19 ng June, pormal na sisimulan nito ang talastasan sa Unyong Europeo (EU) hinggil sa pagtiwalag ng Britanya sa EU.