Ipinahayag Hunyo 4, 2017 ng kapulisan ng Britanya na 12 pinaghihinalaan ang dinakip kaugnay ng dalawang teroristikong pag-atake na naganap kamakalawa ng gabi, sa London. Ayon pa sa pulisya, kasalukuyang isinasagawa ang mga katugong imbestigasyon.
Nang araw ring iyon, ipinahayag ng pamahalaan ng Britanya na isasagawa nito ang mas mahigpit na hakbang, bilang tugon sa mga bagong pangyayari at kalagayang nagaganap para labanan ang terorsimo.
Samantala, ipinahayag kahapon ng Islamic State ang pag-ako ng responsibilidad sa nasabing mga pag-atake.