Ipinahayag kahapon, Sabado, ika-10 ng Hunyo 2017, ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na matagumpay at mabunga ang katatapos na biyahe ni Pangulong Xi Jinping sa Kazakhstan.
Sinabi ni Wang, na ang pagpapalakas ng kooperasyong pangkaibigan ng Tsina at Kazakhstan, pagtatakda ng pangkalahatang plano hinggil sa pag-unlad ng Shanghai Cooperation Organization, at pagdalo sa seremonya ng pagbubukas ng Astana Expo ay mga pangunahing nilalaman ng nabanggit na biyahe ni Pangulong Xi. Aniya, sa pamamagitan ng mga ito, nakikita ang malawak na prospek ng bilateral na relasyon ng Tsina at mga may kinalamang bansa, kapayapaan at kasaganaan ng rehiyong ito, at pag-unlad ng Belt and Road Initiative.
Salin: Liu Kai