|
||||||||
|
||
PROPAGANDA lamang ang balitang lumabas na may 20% pa ng Marawi City ang kontrolado ng mga militante. Pinabulaanan ni Brig. General Restituto Padilla, taga-pagsalita ng Armed Forces of the Philippines ang pahayag ng Islamic State na nakukubkob ng mga militante ang mas malaking bahagi ng lungsod matapos ang tatlong linggong sagupaan.
Noong nakalipas na linggo, sinabi ni General Padilla na pinagtangkaang makuha ang buong lungsod noong ika-23 ng Mayo at napaatras na sa halos 10% na lamang ng lungsod sa pamamagitan ng madudugong sagupaan.
Ayon sa news agency ng Islamic State na kilala sa pangalang Amaq, hindi nagtagumpay ang mga kawal na mabawi ang lungsod sa pagkakaroon ng halos 200 mga tauhang nasawi at maraming umatras sa matinding sagupaan.
Ipinaliwanag ni General Padilla na tanging propaganda lamang ang pahayag na ito ng Amaq. Hindi umano magaganap ang sinasabi ng Amaq sapagkat may 202 mga militante na ang napapaslang.
Sinabi naman ni Lt. General Carlito Galvez na commanding general ng AFP Western Mindanao Command na may 20% pa ng Marawi City, sa panig ng lawa ng Marawi ang kontrolado ng mga militante subalit patuloy na nababawasan sa paglipas ng mga araw.
May 58 mga kawal at pulis na ang nasawi samantalang may 26 na sibilyan na ang nasawi mula ng magsagupaan ang mga armado at kawal.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |