|
||||||||
|
||
Ipinahayag kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang nangyaring sagupaan sa Marawi City sa linggong ito ay nagpapakita ng pagtatangka ng mga teroristang Maute Group at Abu Sayyaf Group na magkasamang itatag ang nagsasariling rehimen upang mapasakamay ang buong Mindanao Island.
Sinabi ni Pangulong Duterte na hanggang Huwebes ng gabi, nasa kamay pa rin ng mga bandido ang malaking bahagi ng Marawi City. Sa kalagayang ito, kinakailangan aniya ang pagpapatupad ng Martial Law. Dapat ding isagawa ng pamahalaan ang mabilis at may puwersang hakbangin upang maigarantiya ang seguridad ng buhay at ari-arian ng mga mamamayan at kabuuan ng teritoryo ng bansa, dagdag pa ng pangulo.
Ipinahayag naman nitong Biyernes ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ang kanyang pag-asang matatapos ang pakikibaka laban sa teroristang grupo sa loob ng isang linggo.
Salin:L Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |