|
||||||||
|
||
Tarakan, kapital ng probinsyang Kalimantan Utara, Indonesia — Sinimulan Hunyo 19, 2017, ng Indonesia, Malaysia at Pilipinas ang magkakasanib na pamamatrolya sa dagat. Layon nitong palakasin ang kooperasyon sa pagbibigay-dagok sa rehiyonal na terorismo at transnasyonal na krimen.
Ginanap ang seremonya ng pagsisimula sa karatig na karagatan ng nasabing lunsod na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa Singapore at Brunei bilang tagamasid.
Bukod sa pagsasagawa ng magkakasanib na pamamatrolya, magkakahiwalay na itinatag sa Tarakan, Tawau, at Bongao ng tatlong bansa ang magkakasanib na pamunuan para sa pagbabahaginan ng mga impormasyon.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |