Idinaos kahapon, Hunyo 20, 2017 ang ika-2 Pulong ng Mga Ministrong Pananalapi at Gobernador ng Bangko Sentral ng Brazil, Rusya, India, Tsina at Timog Aprika (BRICS).
Binigyan-diin ng mga kalahok na ibayo pang palalakasin ang koordinasyon sa patakaran ng macro economy, pasusulungin ang paglaki ng mga kabuhayan ng bansang BRICS at buong daigdig. Bukod dito, nangako pa nilang palalalimin ang kooperasyong pinansiyal sa loob ng G20.
Ayon sa Ministri ng Pananalapi ng Tsina, mabunga-bunga ang pulong na ito at gumawa ng magandang paghahanda para sa gaganaping Xiamen Summit.
Ang Tsina ay tagapangulong bansa ng BRICS sa 2017 at sa siyam na komong palagay na narating ng mga kalahok, naging tampok ang New Development Bank (NDB). Ang NDB ay isa sa mga pinakamahalagang bunga na narating ng mga bansang BRICS sa aspekto ng pinansiya at inaasahan ng mga kasapi na mapapatingkad nito ang papel bilang pangunahing platapormang pangkooperasyon.