Nakipag-usap Hunyo 18, 2017 sa Beijing si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina sa kanyang Indian counterpart na si Vijay Kumar Singh.
Ipinahayag ni Wang na nananatiling matatag ang pag-unlad ng relasyong Sino-Indian. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng India para tupdin ang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa at pahigpitin ang pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan sa larangan ng pulitika, kabuhayan, kalakalan, kultura, depensa at iba pa. Samantala, inaasahan aniya niyang maayos na hahawakan ang mga sensitibong isyu at di-pa nalulutas na problema sa bilateral na relasyon ng dalawang panig.
Ipinahayag naman ni Singh na pinahahalagahan ng India ang pakikipagtulungan sa Tsina. Nakahanda aniya ang India na magsikap, kasama ng Tsina para tupdin ang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang panig, pahigpitin ang pagpapalitan sa mataas na antas, pasulungin ang pragmatikong pagtutulungan sa ibat-ibang larangan, at maayos na hawakan ang mga alitan. Aniya pa, nakahanda ang India na pahigpitin ang pakikipagkoordina at pakikipagtulungan sa Tsina sa mga multilateral na larangan, para magkasamang pangalagaan ang komong interes ng mga umuunlad na bansa.
Bumiyahe si Singh sa Tsina para dumalo sa BRICS Foreign Ministers' Meeting sa Beijing.