Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina at Amerika, pahihigpitin ang kooperasyon sa diplomasiya at seguridad

(GMT+08:00) 2017-06-22 11:51:41       CRI

Sa kauna-unahang diyalogo ng Tsina at Amerika sa diplomasya at seguridad, buong pagkakaisang ipinahayag ng dalawang panig na patuloy na magsisikap para palawakin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan at kontrolin ang hidwaan sa pundasyon ng paggalang sa isa't isa.

Umaasa rin ang Tsina at Amerika na matagumpay na idaraos ang mga diyalogo ng dalawang panig hinggil sa kabuhayan, cyber security at kultura sa loob ng taong ito.

Magkasamang pinanguluhan ang nasabing diyalogo nina Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina, Rex Tillerson, Kalihim ng Estado ng Amerika, at Jim Mattis, Kalihim ng Tanggulan ng bansang ito.

Tinalakay ng dalawang panig ang mga isyu na gaya ng relasyon ng mga hukbo ng dalawang bansa, South China Sea, Taiwan, Tibet, kalagayan ng Korean Peninsula, at paglaban sa terorismo.

Sa nasabing diyalogo, tinukoy ng panig Tsino na dapat tumpak na pakitunguhan ng dalawang panig ang kani-kanilang estratehikong layon. Inulit ng panig Tsino na ang estratehiya nito ay pangangalaga sa sariling kapakanan sa soberanya, seguridad at pag-unlad. Bukod dito, ipinahayag ng panig Tsino na iginigiit nito ang landas ng mapayapang pag-unlad at iginagalang ang kaayusang pandaigdig sa pundasyon ng UN Charter.

Ipinahayag ng panig Amerikano na wala itong balak na pigilan ang pag-unlad ng Tsina. Nakahanda ang panig Amerikano na pahigpitin, kasama ng Tsina, ang diyalogo at kooperasyon para pasulungin ang kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyong Asya-Pasipiko.

Buong pagkakaisang ipinalagay ng dalawang panig na dapat samantalahin ang diyalogong ito para palalimin ang pagtitiwalaan, pasulungin ang kooperasyon, at kontrolin ang mga hidwaan.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>