|
||||||||
|
||
Ipinahayag Hunyo 19, 2017, ni Ministrong Panlabas Bruno Rodríguez Parrilla ng Cuba, na ang isinasagawang bagong polisya ni US President Donald Trump ay isang "pag-urong." Hindi aniya yuyukod ang Cuba tungkol dito.
Aniya, matinding pinagdudahan ng Cuba ang motibo ng pagsasagawa ni Trump ng bagong polisya. Ipinalalagay niyang ang polisyang ito ay hindi lamang magdudulot ng negatibong epekto sa relasyon ng Cuba at Amerika, kundi maging sa relasyon ng Amerika at Latin-Amerika.
Bukod dito, binatikos niya ang isinagawang patakaran ng Amerika sa Cuba sa mahabang panahon. Napapatunayang bigo ang patakaran ng Amerika sa Cuba, aniya pa.
Ipinatalastas Hunyo 16, 2017, ni Pangulong Donald Trump ng Amerika ang pagpapahigpit ng patakaran ng US government sa Cuba sa mga aspektong gaya ng kabuhayan at kalakalan, at turismo. Ngunit hindi aniya isasara ang bagong bukas na US Embassy sa Cuba noong 2015. Ipinagdiinan din niya na patuloy na isasagawa ng Amerika ang economic at financial blockade, at embargo laban sa Cuba.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |