Ipinatalastas kahapon, Martes, ika-20 ng Hunyo 2017, ng Department of Treasury ng Amerika, ang bagong round ng sangsyon laban sa 38 indibiduwal at entity ng Rusya. Ito ay bilang tugon sa mga aksyon nito sa isyu ng Ukraine.
Sinabi ni Steven Mnuchin, Secretary of Treasury ng Amerika, na gusto ng kanyang pamahalaan na pangalagaan ang soberanya ng Ukraine, sa pamamagitan ng paraang diplomatiko. Hiniling niya sa Rusya, na tupdin ang mga pangako sa Minsk Agreement. Kung hindi, hindi aniya paluluwagin ng Amerika ang mga sangsyon laban sa Rusya.
Salin: Liu Kai