Pinangalanang "Fuxing" ang bagong uri ng high-speed train na ginawa ng Tsina. Ang "Fuxing" ay salitang Tsino na nangangahulugang "pagbangon."
Ang naturang high-speed train ay idinebelop at ginawa ng China Railway Corporation (CRC). Ito ay naaayon sa maunlad na pamantayan ng daigdig, at ang Tsina ay ganap na may sarilinang karapatan sa pagmamay-ari ng likhang-isip nito.
Sinabi ngayong araw, Linggo, ika-25 ng Hunyo 2017, sa Beijing ni Lu Dongfu, General Manager ng CRC, na ang tawag na "Fuxing" ay nagpapahayag ng magandang hangarin, para sa mas mabuting paglilingkod ng industriya ng daambakal ng Tsina sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng bansa, at magdudulot ng mabuting pagbabago sa pamumuhay ng mga mamamayan.
Ayon pa rin sa salaysay, maisasaoperasyon bukas ang naturang tren sa Beijing-Shanghai High-Speed Railway.
Salin: Liu Kai