Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga teknisyang Malay, sinasanay sa teknolohiya ng high-speed rail sa Tsina

(GMT+08:00) 2016-09-06 14:32:52       CRI
Labingwalong (18) teknisyan mula sa Malayan Railways Limited (KTMB), pangunahing rail operator ng Malaysia ang nagsimula Lunes, Setyembre 5, 2016 ng kanilang tatlong buwang pagsasanay hinggil sa mga teknolohiya ng high-speed rail sa Zhu Zhou, Hunan Province sa dakong gitna ng Tsina.

Ang Hunan Vocational College of Railway Technology (HVCRT) na tinaguriang pinakamagaling na kolehiyo sa teknolohiya ng daambakal ang namamahala sa pagsasanay.

Seremonya ng pagbubukas ng pagsasanay (photo credit: HVCRT official website)

Ayon sa media report ng Malaysia, dahil sa kakulangan sa mga tauhang panteknolohiya, nakikipagtulungan ngayon ang Malaysia sa iba't ibang bansa para sanayin ang mga tauhan. Anang ulat, sa taong 2020, kakailanganin ng Malaysia ang 50,000 tauhan sa larangan ng daambakal at 8,000 sa mga ito ay teknisyan, tsuper at konduktor.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>