|
||||||||
|
||
Sa paanyaya ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, isasagawa ni Alan Peter Cayetano, Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, ang opisyal na pagdalaw sa Tsina mula Hunyo 28 hanggang Hulyo 1, 2017. Kaugnay nito, ipinahayag sa Beijing, Hunyo 26, 2017, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nananalig ang panig Tsino na palalalimin ng biyaheng ito ang komprehensibong kooperasyong Sino-Pilipino sa iba't-ibang larangan, at isusulong ang kanilang estratehikong relasyong pangkooperasyon.
Sa biyahe, makakausap ng mga lider Tsino si Cayetano para pag-usapan ang mga isyung gaya ng relasyong Sino-Pilipino, at relasyong Sino-ASEAN.
Ipinahayag pa ni Geng na ang Tsina at Pilipinas ay tradisyonal na mapagkaibigang kapitbansa ng isa't isa. Aniya, sapul nang humupa ang tensyon sa relasyon ng dalawang bansa noong isang taon, walang tigil na bumubuti ang kanilang relasyon, bagay na nakakapaghatid ng aktuwal na bentahe sa kapakanan ng kanilang mga mamamayan, at nakakapagpasulong sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |