DALIAN, June 27, 2017--Kinatagpo kahapon ni Li Keqiang, Premiyer ng Tsina si Tharman Shanmugaratnam, dumadalaw na Pangalawang Punong Ministro ng Singapore.
Sa ngalan ng kanyang bansa, ipinahayag ni Shanmugaratnam ang pakikiramay sa mga biktima ng landslide sa Maoxian County ng lalawigang Sichuan sa timog kanlurang Tsina.
Sinabi ni Li na nakahanda ang Tsina na aktibong pasulungin ang pakikipagtalastasan sa Singapore hinggil sa upgrading ng malayang sonang pangkalakalan ng dalawang bansa at komprehensibong partnership sa kabuhayan, upang maipahayag ang maliwanag at malakas na signal sa pangangalaga ng malayang kalakalan at pagpapasulong ng pag-unlad ng rehiyon.
Sinang-ayunan ni Shanmugaratnam ang sinabi ni Li, at nakahanda aniyang magsikap ang Singapore para mapasulong ang estratehikong partnership ng ASEAN at Tsina.
salin: Lele