Ayon sa estadistika na isinapubliko Mayo 25, 2017 ng Ministri ng Kalakalan at Industriya ng Singapore, lumaki ng 2.7% ang kabuuang halaga ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa sa unang 3 buwan ng 2017, kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon. Pero, umabot sa 2.9% ang nasabing bilang sa huling 3 buwan ng 2016.
Ipinahayag ng nasabing ministri ng Singapore na ang industriya ng pagyari ay magsisilbing batayan sa paglaki ng pambansang kabuhayan sa 2017. Anila pa, tinatayang aabot sa 1% hanggang 3% ang economic growth ng Singapore, sa buong taon.