SINGAPORE, Abril 18, 2017—Idinaos ang seremonya ng pagtatayo ng Sentro ng Serbisyo sa Konstruksyon ng Imprastruktura ng China Construction Bank (CCB), Private Bank Center at Branch ng CCB sa Singapore. Dumalo sa seremonya sina Wang Zuji, Presidente ng CCB; Fang Xinwen, Charge D'affaires ng Embahada ng Tsina sa Singapore, at Ng Chee Meng, Ministro ng Edukasyon ng Singapore.
Ipinahayag ni Wang na sa ilalim ng background ng mahigpit na ugnayan ang kabuhayan ng iba't ibang bansa sa daigdig, patuloy na lumalawak ang kooperasyon ng Tsina at Singapore, at ito ay gumaganap ng mas malaking papel sa pagpapasulong ng pag-unlad ng kabuhayan ng daigdig.
salin:Lele