Hong Kong, Hunyo 29—Sinaksihan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang paglagda sa Kasunduan ng Kooperasyon sa Pagtatatag ng Hong Kong Palace Museum sa pagitan ng West Kowloon Cultural District Authority ng Hong Kong at Palace Museum ng bansa.
Ang West Kowloon Cultural District ay mahalagang proyektong pangkultura ng Hong Kong. Kabilang dito, may 17 arkitekturang pansining at kultural na kinabibilangan ng Hong Kong Palace Museum at Sentro ng Opera.
Itatanghal sa Hong Kong Palace Museum ang mga relikyang pangkultura mula sa Palace Museum ng bansa. Isasagawa rin ng West Kowloon Cultural District Authority ng Hong Kong at Palace Museum ang koopersyon sa mga aspektong gaya ng pagtatanghal ng relikyang pangkultura, pagsasanay ng tauhan, pagpapalitang pangkultura at iba pa.
Ang kasalukuyang taon ay ika-20 anibersaryo ng pagbalik ng Hong Kong sa Inang Bayan.
Salin: Vera